Natatawa ako sa sarili ko ngayon. I can't help but smile sa kadahilanang simple lamang ngunit sadyang malikot talaga ang isip ko. Lol. Isipin mo, I decided to come online tonight because plano ko gumawa ng kung ano-ano online and wait for a fellow to chat with. Pero ibang tao pala ang magco-communicate sa akin...
Well, it's just unusual lang for me to chat with him. Eh kasi naman hindi kami dating ganun although we were buddies way back in school days pa. What I mean is we were teammates and madalas kadiskusyon syempre sa school projects but never that really close sa personal. And we never had the chance to, because tampuhan kami ng tukso ng mga classmates namin. Tsk.
Grabe talaga yun kahit simpleng usapan lang namin or matters outside school na kumbaga personal eh binibigyan na ng ibang dahilan. Eh sino ba naman ang hindi matutunaw nyan? Halos conscious na buong pagkatao ko pagdating sa kanya. Baka kako kahit simpleng paglalakad sa daan uulanin ako ng tukso. Ganun kaconscious those days before. Tapos yung tipong sasabihan ka na "in denial" daw ako sa kanya? Excuse me? Kayo lang ang nagsisimula ng lahat ng kontrobersiya tapos gawin nyo pa akong guilty? Toink. No comment din naman kasi siya tulad ko. Kaya tuloy hindi alam kung galit o gusto. Pero somehow nadevelop yata ako during those period. Develop sa sitwasyon, hindi sa kanya. (I just want to clear things here ha?) Nasanay na kamo na may kung anong something between us daw according sa mga tumutukso.
Anyway, we parted ways na after graduation. Lahat kami, pati na yung mga tumutukso sa amin. Haha. Pero mas malayo sa kanya, outside the city siya e kasama rin ng ilan lang sa amin. Actually no news about the majority of our batch. Masyadong busy na siguro sa kanya-kanyang life. Nandun pa rin naman ang communication online thru facebook group, emails, chat, etc.
What is surprising this night is, he messaged me. Nangungumusta. Nagtanong about our previous project. Yun kasi ang major na "string" kumbaga that holds us together. We talked about few things. I just treated him fairly. Just like any former classmate will do if nangungumusta. Kinumusta din nya yung isa naming kasama, na madalas din manukso sa amin. Binalita nya na uuwi sila for vacation. Tapos kinumusta din nya work ko. And so and so...
Hmm..hindi ko lang alam ano ba talaga ang dapat maramdaman. Haha. I'm surprised because hindi naman kami dating ganito. I mean we've noticed each other online for how many times pero ngayon lang kami nagkausap ulit. And not because of some business matters or what, but friendly kumustahan. Or maybe surprised ako kasi hindi pala kami close, feeling close lang. Haha. Or was it me just thinking that there was something, even just a "little" something between us? LOL talaga. Blame that history of tuksuhan and everything. Yan tuloy bumalik yung pagka-conscious ko. Well, sinubukan ko lang naman mag-imagine kung saka-sakali ba. Pero parang hindi. May mga dahilan din naman ako kung bakit hindi pwede. Pero kung may dahilan sa negative, syempre babalansehin naman ng kabutihan ika nga. :)
Basta. Yun na yon. Sadyang creative lang ang aking imahinasyon. Haha. Natatawa talaga ako sa sarili ko... Aside sa surprised, isa lang ang klaro..may naramdaman din naman akong kasiyahan.