Tuesday, August 28, 2012

The Effect of the eBook


Dear Blognote,

Hindi ko alam kung anong meron sa araw na'to. Pero may something talaga. Adik. Yun ba'ng parang may nakadagan sa'yo. Hindi naman ganun kabigat o ka-problematic. Ah basta, siguro may dapat akong gawin na hindi ko nagawa. Hmm kahit anong isip ko parang wala naman. O baka may dapat akong isipin o pakiramdaman na hindi ko naisip o nararamdaman dahil okupado ang utak ko malamang sa ibang bagay.

Look what's happening to me. Iba talaga ang epek ng ginawa ko sa mga araw na'to. Imagine, I'm blogging here and nagiging tagalog palaka ako? I'm usually emo naman sa Ingles, but since nandito na'ko (o sinadya ko talagang dito i-post instead sa kabila) I know matatanggap mo na I'm open to use the wikang sariling atin so for my comfortability.

Enough. >_< nababaliw na yata ako. Or shall I say, nahawa na rin ako marahil epek na naman to.

Oo na, ako na ang bangag. Dahil first time ko lang naman ulit na sinadyang hindi matulog nang maaga-aga or yung nakasanayan ko na lately na sleeping time ko. At alam mo ba kung ano ang rason? Dahil sa e-book na bin-luetooth ng kasamahan ko sa music_ministry. At dahil medyo na-curious nga ako eh sinimulan kong basahin at akala ko pa naman ay short story lang pero admittedly, naaliw ako. Yes. I should congratulate the author for that noh? Dahil sa kakaibang simpleng makulit nyang way of writing ay naentertain ako. Salamat naman dun. Nagkaroon ako ng ilang oras na reunion sa nakalimutan-ko-na-palang hobby -- ang pagbabasa.

Thinking that it just runs as lengthy as a PHR pocketbook na dating binabasa ko noon, I did not dare to stop reading for some moments. Break lang kung kakain o may importante talagang gawin. Sabi ko tutal, yung pinakamadalang ko na sigurong pagbabasa ay umabot ng humigit kumulang na dalawang oras. O diba, I'm boasting? Modesty aside, kapag naaaliw ako lalo eh mas lalong mabilis akong magbasa. Haha.

At kaya nga nagsimula yun nung mag part ways na kami pauwi ng kasama ko (binigay lang niya yung file habang naglalakad pauwi sa sakayan ng motor). What I had in mind is to see kung ano talaga hitsura sa interface ng phone ko yung sinasabing e-book feature. O diba? Ako na ang ignorante. Ehem, defense lang dito ha? Hindi ko naman kasi pinapansin masyado ang ibang features ng phones. Pero I did try to see what's with it and if it meets my expectation as to what I think about e-books. Oo basta yun na yun.

So okay naman pala. When I began reading I thought I'll be reading a short story just like an anecdote of maybe 2-5 document/pages. Then I just found myself reading and reading and following through the story sa daan hanggang pag-uwi sa bahay hanggang makapaghapunan. At hanggang pagkatapos maghapunan hanggang sleeping time. O di ba? Hanggang sleeping time. Yes. But you know, it didn't end there. Because I didn't sleep. I didn't on time.

Anak ng tipaklong kasi naman, parang na-absorb na talaga ako sa daloy ng estorya and I can't wait to see what would happen next. <see? kahit pananalita ko dito parang epekto na rin sa nabasa ko. Andali ko talagang mahawa.> So nagbasa ako hanggang sa pagtulog. Or shall I say, hanggang sa higaan. <Buti na lang noh hindi ko napanaginipan na kasali ako sa estoryang binabasa ko at isa ako sa mga bida. Toink!> My phone signaled for auto-off (I activated that feature that shuts down my phone at exactly 11 PM and wakes it up by 5 AM) but you could just imagine while reading this now that...I cancelled the indicator. Waaahaha. Sabi ko nun, okey lang, pwede extend kahit ilang minutossss? >:D minutos kasi hindi ko na naman napansin na lampas oras na 'ko nagbabasa. Minsan kasi inuunahan ko pa sa pagtulog yung auto-off indicator ng mobile ko. At anak ng tipaklong nga, kahit ganun ang kalagayan ko, na patay na lahat ng ilaw at tulog na lahat ng tao eh ayun ako at miminsang naluluha sa pagbabasa - either nadadala sa drama ng estorya o sa kakulitan ng komedyang mga parts nito. Pigil bunganga akong tumatawa at iniiwasan ko talagang gumawa ng imik habang natatawa ako dahil baka sugurin ako ng mama ko'ng nabulabog sa tulog dahil malalim na ang gabi (or madaling araw na yata) and what on earth I am still doing on that moment. Kung pwede pa lang nilamon ko na ang kumot ko at nilunod ko na ang mukha ko sa unan para lang hindi gumawa ng ingay. Record-breaking happening in my life ko yun ha?

To cut the longer story short, at dahil napapahaba na nga tayo dito, eh kinabukasan, hindi ako nakabawi ng tulog masyado at WALANG NAKAKAALAM na madaling araw na ako natulog -- at yun ay dahil sa pagbabasa na isang tila nobela gamit ang mobile phone ko. Wagas. Ikaw lang ang nakakaalam. >:D bwehehe. Hanep di'ba? Parang kung ano ang dahilan ng pagiging gising ko hanggang madaling araw noh? Eh tapos na naman ang college hectic days at walang very mabigat na task para i-overtime, pero heto at eto ang dahilan.

Pero oy, naging conscious din naman ako sa oras ah. Nagsimula na nga akong medyo magtaka at kung ikumpara ko ang pagbabasa ko sa isang ordinaryong pocket book eh parang mahaba naman yata 'tong isang 'to. Kaya nga napaisip ako dun sa nagbigay sakin neto at kung sino pa ang nakabasa na nito kung natapos na ba nilang basahin o matagal nang nasimulan o binabasa pa hanggang ngayon o tapos na ba at kung gaano katagal. Nevertheless, I chose to finish it dahil nawili na rin ako sa story. So a total of isang gabi at isang araw lang ang nagdaan. Hindi straight ha, sinubukan ko ngang magmadali sa nakatakdang gawain ko para ireward din ang sarili ko na magpatuloy sa pagbasa. So parang kulang-kulang...ahmmmm...ewan di ako sure...kung pagsamasamahin...baka 12 hours or less. O_o (I tried to inspect the file, umabot ng 300+ pages sa MS Word yung text, grabeh..)

HAHA. Ewan ko sa sarili ko. But the story's nice and I appreciate it. Simple but realistic. Rational. Nakakarelate. Nakakaentertain. I realized kung paano ako naapektuhan. That little thing moved me and somehow it refreshed my creative mind and I was back to being an inspired writer somewhat. But I know I can't devote my time right now and if ever I will start something I might not finish it. And I don't want to think naman na dahil naapektuhan ako eh maiimpluwensyahan natural ang gagawin ko based on what I've read recently. <respeto din naman sa author..> Pero somehow it made me think and study how unique talaga ang way of writing ng mga tao, mga nobelista, mga batikang writers at kahit mga simpleng taong tulad ko. I don't know the author, may pagpapahayag din naman dun na hindi lang yun ang estoryang nagawa at gagawin pa niya, marahil isa din syang passionate individual.

I should really thank the author who did that story. I almost forgot that I should take a break sometimes and treat myself of even by just returning to some old recreational activity. <Buti na lang hindi 'busy moments' sa mga gawaing-bahay yun, medyo nakapagrest ako. Tsaka, hindi nakakakonsensya. LOL.>


***
Alam mo ba kung ano ang unang naisip ko kung bakit ako nagsulat dito? At ngayon narealize ko na parang humaHABA na talaga 'to. Eh kasi sunod-sunod yung holidays and weekend vacations ng month na 'to eh. Parang ayoko pang magreport sa duty bukas. Haaaaay gusto ko pang mag-exteeeeend ng pahinga. Baka makagawa pa 'ko ng estorya. Hehe. Sigh. Back to reality na naman sa mga susunod na araw. Pero thank you pa din dahil I spend a leisurely time. :)

Comeback

Dear Blognote,

I miss you. Haha. Yeah, it's been quite some time. Actually I've got lots of things for those days I haven't been here. But everytime I think of beginning to make a new post, they're all gone. :)

#palusotngbagongloginbow