Why do you end up doing nothing at all when you badly want something very specific to do?
Tsk. Eto na naman ako. Yung dull moment umaatake na naman. I just don't know what to write about kung kailan pa gusto ko nang dagdagan tong write ups ko. Kakainis. Vacant time ko pa naman and wala akong gagawing task. Kung tutuusin, pinapangarap to'ng oras na 'to na kung saan 'free' ang schedule ko. Magbe-bell na naman at mawo-water na ang vacant period ko na walang nagawa. (-_-)
"Janna!!"
Bigla akong napalingon sa kung sino mang tumawag ng pangalan ko. Nakita kong tumatakbo papalapit sa gazebo na kinaroroonan ko ang friend kong si Kharla.
"Oy! Kanina ka pa ba dyan?" tanong nya nang makalapit sakin. Palibhasa kung makatakbo ang babaeng 'to ang laki ng mga hakbang.
"Oo..wala akong class ngayon eh. Tapos na ang first period namin. Vacant mo rin ba?" sagot ko.
"Yes. Pero papasok na ako. May report kasi kami na ipiprepare. Nauna na mga kasama ko." ganti ni Kharla habang inaayos nya ang mga textbooks na dala-dala nya at isa-isang nilagay sa backpack. "O heto, pinabibigay sa yo."
"What's this?" tanong ko habang nagwa-wonder kung anong laman ng nakatuping short bond paper kalaking specialty board.
"From Ontario...with loveee..." may himig turistang sagot ni Kharla na kinukumpas-kumpas pa ang kamay sa ere. "O sige ha, I'll go ahead? Pasensya na't hindi kita masasabayan ngayon dahil 'lam mo naman, very masikap basta sa aking favorite subject."
"Hahahaa. Oo na. Good luck sa'yo. Magpapa-flirt ka na naman kay Sir Alex. Hahahaha" Crush kasi ni Kharla ang batambatang subject teacher ng course nya na si Sir Alex. magka-college kami kaya even though hindi kami classmates dahil sa hindi parehas ng course na in-enroll ay nagkikita pa rin kami madalas sa campus. Minsan ring magkapareho din kami ng professors.
"Sige bye-bye! See you later! Makiki-chika na lang ako maya sa inyo." pahabol pa ni Kharla na kinindatan pa ako.
Deep inside I know what she means. Magkalapit lang din ang mga bahay namin kaya naging friend ko din sya ng matagal-tagal na panahon. Kung lumaki lang ako doon sa subdivision na tinitirhan namin ngayon, I can say na si Kharla ang childhood bestfriend ko. Madalas kasi kaming nagtatambayan ng mga bahay ng isa't-isa kapag walang pasok. Kaya mamaya expect na makiki-chika kuno ang babaeng yun sa amin.
"..because of this letter," nasabi ko na lang sa sarili ko.
I opened it and binasa ang nakasulat nito.
"To the only one granted with the permission to read this: " ang nakaprint sa ilalim ng unang tiklop.
I proceeded to uncover the tape na parang double-sided para makita ang tinakpan na text sa bandang ibaba. Sa ilang beses ko nang nakareceive ng ganito, parang kabisado ko na ang susunod.
Beneath the tape is a 10-character keyword na hindi mo mahuhulaan kung ano ang meaning for the reason that binubuo ito ng unusual characters at hindi ng alphabet. At kabisado ko kung ano ang ibig sabihin ng bawat letra. (Syempre ako ang pinadalhan eh! Sino ba ang bida dito? -_-)
I smiled at the thought of the sender. Alam talaga nito na gusto ng mga ganitong mga coded messages.
I took my pencil and started guessing the key phrase. Parang nagsi-share lang naman ito ng clue sa kung ano ang summary ng nasa loob.
Tapos ko nang maanswer-an ang code. I went on opening the next fold and reading the body of the message.
Hi...
Keep safe.
-JM
'_' Yun lang? Nagsalubong ang kilay ko sa pag-aakalang mahaba-habang mensahe ang nasa loob ng note. Yun pala ay hindi nga aabot sa 20 ang total number of characters nito. Tsk. Pero OKAAAY laaang! At least it made my day bright, naka-smile ako! Haha. I just consoled myself with the idea of the sender being so thoughtful at naisipan niya pa akong padalhan ng kahit very short na message. Parang magkasing-iksi lang ng key phrase yata yun eh. LOL.
I folded the paper and placed it inside my bag at nagsimula na akong mag-ayos ng kagamitan pabalik sa lab. Haay. 5 minutes na lang at magsisimula na ang next subject namin. Samakatuwid, wala nga akong something makabuluhan na nagawa sa period na ito. 4 hours pa naman kami sa lab ngayon, himutok ko habang nakatingin na lang sa malayo. Pinagmamasdan ang mga puno na nakapalibot sa gilid ng oval at ang ibang mga students na naglalakad at tumatambay when something caught my sight. Or shall I say someone..
"..with a binder, a backpack, and a tool set. Obviously that person is an engineering student, sabi ng isip ko. But why do I care? But..there'something different sa taong ito. Parang ngayon ko lang nakita. Ooh well, hindi ko rin naman siguro kilala ang lahat ng tao sa campus noh? Or baka nga bisita lang or exchange student or transferee or nagkataon lang na mukhang studyante or teaching staff kaya? Ma--lay ko ba?!"
I took a large gulp of my strawberry shake for a pause. At nakatingin lamang ang aking bestfriend sa akin na abot-tenga ang ngiti na animo'y kinikilig na teenager.
"Hey.. bakit ganyan ka makatingin?" puna ko sa kanya.
"Spell kilig." hindi pa rin mawala ang nakakalokong ngisi sa mukha ni Kharla. Ni-refill nya ang glass ko ng strawberry shake.
Umirap lang ako. "Kilig??!! Excuse me, are you run out of words?" bakit naman eto pa ang naisip ng kaibigan ko. "Kinikilig ka ba sa estorya ko? Anong nakakakilig dun? Tsaka, hindi natin kilala ang taong yun noh, para ma-deserve nyang pagpantasyahan ko, or mo, or natin...?!"
Kharla just laughed. "Alam mo...? I just remembered one person who made you react exactly like this." sabi nya habang nilalagyan ng shake ang glass nya. "..and I thought I'd be hearing something now na more about him."
Napabagal ako ng nguya sa donut na kinakain ko na waring nag-iisip kung ano ang ibig sabihin ni Kharla. "Hmm..hindi kaya. Teka.. wait.. Hindi naman ibig sabihin--" I just paused because hindi ko gustong paniwalaan ang gustong ipahiwatig ni Kharla.
"How's James?" tanong ni Kharla sa akin.
"Di'ba ako dapat ang magtanong sayo ng ganyan?" ganti ko kay Kharla. "Kumusta na pala sya? Kailan lang sya ulit nagpadala sayo?"
"What I mean is...is there something you wanna SHARE about you know...he sent you a message, right?" - Kharla
"Yup!" I smiled. "And it says...I take care."
"Ha?" o.O
"Oy takpan mo yang bunganga mo, kita yung kinakain mo o." -ako
"Anong mensahe? Yun lang?" tanong ulit ni Kharla.
"Yup. Yun lang." I replied, and sipped my strawberry shake.
"Oy Janna ha...bestfriend mo'ko. Don't you know it's a mortal sin to hide your secrets from your bestfriend??" sabi ni Kharla na may himig pagdududa.
"Oy lahat naman siguro ng tao may sikreto noh? It's protected by the Constitution..every person has the right of privacy. Hmf! But hey! Wala akong tinatago. Yun lang talaga ang message para sakin. At saka, waaah ang OA ng reaction mo ha!"
"Az in?? Take care??" - Kharla
"No. Keep safe." -ako
"Period?"
"Period." sabi ko kahit nakangiti pa rin.
"Wow ha. That paper traveled all its way from their house to the post to the airport to my tita's house to my dad's conference to our house and to the campus and to you and yet? Yun lang?! Ang kuripot naman ng lokong yun."
Natawa ako sa litanya ni Kharla. Tinrace ba naman ang itinerary ng umano'y letter para sakin. "Ganun talaga. But don't you think he's thoughtful? Kahit gaano pa kahaba yung binyahe ng letter na yun, that short but sweet message was sincere." abot tenga ang ngiti ko.
"And to think, may pa-code phrase-code phrase pang nalalaman..suuus. At kinilig ka naman." Si Kharla lang ang bukod tanging mapag-share-an ko ng kung anu-anong chever kaya kahit ang pagkahilig ko sa code messaging ay alam niya. Pati na rin ang way of exchanging messages namin ni James.
"Hindi hindi." -_- "Sino ba ang hindi kikiligin? Eh ang gwapo kaya ng nagpadala nun. Bukod sa matalino na, mabait, masipag, matulungin, maunawain, talented, mapagmahal, goal-oriented, respectful, honest, sincere--"
"SIYA NAA!! Siya na ang ideal guy mo teh! Hindi halatang nahihibang ka talaga sa kanya!" nagtawanan kami ni Kharla. Muntikan pa akong mabilaukan.
"Hahaha. Masyado bang matamis ang strawberry shake ko?" pang-uuyam ni Kharla.
"Hindi naman. Si James lang ang alam kong sweet." ganti ko namang sagot sa kanya. Nagtawanan ulit kami at nag-high five pa. "Lumulutang na tayo sa keso nito!"
"Ikaw lang! Ikaw ang masyadong mahaba ang hair eh! HAHAHAHAHAHA!"
Nang mahimasmasan sa katatawa natahimik na lang at sinimot na ang strawberry shake na natitira. Tinulungan na ako ni Kharla na magligpit.
"Crush mo talaga si James nuh?" seryosong tanong ni Kharla. "Inlababo ka na yata sa pinsan ko, best?" parang biglang sumeryoso ang usapan (slight lang.. :] ). Napaisip naman ako mula sa kaibuturan ng aking katawang-lupa. (In fairness, malalim na topic to ah..)
"Hmmmm basta ang alam ko, best..." napaisip ng malalim. "..si James ang bumubuo sa katauhan ng prince charming ko. At walang araw na kapag iniisip ko sya ay hindi ako sumasaya. He's the guy who gives the spark. Na kahit pangit ang araw ko, kapag naiisip ko sya ay okay na ako," napa-smile na rin si Kharla na nakatingin sa akin na parang nananaginip habang nakatingin sa ulap.
"Eww, ang korniiiii mo, manang... "
Tiningnan ko si Kharla nang isang 'wag-ka-nang-mag-rereak-tinanong-mo-diba-ehdi-sasagutin-ko' look.
"Ehem. Okay. Zip!"
"Basta..." pinatuloy ko. I blew my bangs away. "Para bang....he keeps on inspiring me...day by day..."
..by day. Days passed...into weeks...into months.
No comments:
Post a Comment