The Draft Chapter 3



Nagsisimula na ang rising action na parte ng movie pero hindi ako maka-focus sa panonood. Lumulutang sa kung saang lupalop ang isipan ko. Action adventure pa naman ang pinanood namin ni Kharla. Minsang naririnig ko siyang nagkukumento at nagrereak sa palabas pero hanggang tango at sang-ayon lang ako. Actually parang wala akong naiintindihan sa pinapanood namin kahit absorb na absorb na si Kharla sa movie plot. Naiisip ko pa rin ang sinabi ng bestfriend ko kanina..


"Obsessed ka na yata talaga sa imaginary prince charming mo.."


Imaginary? Am I just imagining? Am I imagining too much?


Or was I dreaming? Nananaginip ng gising, tama ba?


Matuturing na ba 'tong obsession ang paghanga ko kay James?


Oh yes, inamin ko kay Kharla noon pa na may crush talaga ako sa pinsan niya. Open din naman si Kharla at wala siyang masabi kay James dahil sa bukod na matalino ito ay sadyang mabait at mapagkumbaba. Friendly din siya sa mga kaibigan ng mga pinsan at barkada ni Kharla. At suportado naman ng bestfriend ko ang 'vested interest' ko kuno kay James dahil nga 'very single' naman ang pinsan niya at siya pa nga raw unang nagsabi na gusto ako nitong makilala.




Flashback...***




Isang family gathering nun sa bahay nina Kharla ang naganap summer after high school graduation. Bumisita pabalik Pilipinas ang pamilya ng kapatid ng papa ni Kharla pati na rin mga lolo't lola at mga pinsan nila. May family business kasi sa Metropolitan ang boss ng half-brother ng papa ni Kharla. Madalas silang nag-a-out of the country dala na rin ng demand ng mataas na posisyon na pinagkakatiwala dito kaya parte na ng trabaho sa corporate world ang personal na mag-followup sa mga business matters maging sa States at Asia. Kasa-kasama naman ang mommy at younger sister ni James na si Katie ng papa niya kung saan siya madedestino kaya nga madalas ay palipat-lipat din sila ng lugar. Kaya sa ganoong pagkakataon na minsang bumalik sa Pilipinas ay parang reunion na rin ng pamilya nila. Sinulit din ng pamilya na makapagbakasyon sa Pilipinas kasama ang mga pinsan ni James kaya nag-stay sila kina Kharla that summer.

Naimbitahan sa isang dinner sa bahay nila Kharla ang pamilya namin. Close na rin kasi ang families namin dahil magkatrabaho rin sa iisang kumpanya ang papa ko at papa ni Kharla. Birthday yun ng Kuya Sean ni Kharla na kabarkada naman ng Kuya Jude ko. Si Kharla pa mismo ang pumunta sa amin para personal na mangimbita.


Ang haba ng intro ko noh? Babalikan ko lang naman kung paano kami nagkakilala ni James. Well, nasabi ko na nga na personal kaming inimbitahan ni Kharla eh di pumunta siya sa bahay namin noh? And guess what, para mas makaconvince pa may hila pa siyang kasa-kasama. Mga pinsan niya na tinu-tour daw nya sa buong neighborhood. (As if maraming tourist spots sa amin noh? Well, hindi naman masyado. Gardens siguro marami pa. Lol!)



And there, with Kharla, are three cousins tagging along with her - isang gradeschooler na kasing-edad ng mga kapatid niyang kambal (nakalimutan ko name niya hehe), si Katie, at ang kuya niyang si -- ahem -_- sino pa nga ba, si James.



Syempre pakilala konti kina Mama at Papa. Sunday nun kaya kumpleto lahat sa bahay. Approachable at friendly ang mga pinsan ni Kharla, hindi ka mangingiming makipagkwentuhan sa kanila. Pati sina Katie at James palakaibigan din. Kahit madalas sa ibang bansa, sanay pa rin magtagalog. Sabik yata sa kabarkada kaya mabilis na nakapagpalagayang loob ang mga ito sa mga pinsan at pati na rin sa amin.

Simple lang naman ang first hi and hello namin ni James. Pero noong una pa lang napansin ko nang he has a nice personality, confident, pero hindi mahangin. Tsaka marunong makibagay.

Nasali kami sa umpukan ng mga pinsan ni Kharla sa may sala habang nag-uusap naman ang mga parents namin sa kusina. May mga pinsan din naman si Kharla na kilala na naming magkapatid kaya hindi masyadong dead air.

Makwento rin si James at Katie. Nag-eexchange kami madalas ng mga tanong sa isa't-isa, mga getting to know type, hobbies and interests, etc.. Sensible siyang kausap. In fairness. Nang lumaon parang kami na lang madalas ang mas nag-uusap ni James kaysa sa iba pa niyang pinsan. Magkaka-pause lang kung may kukunin sa kusina or tatawagin ng kapamilya para ipakilala.


Siniko ako ni Kharla nung gabing kumakain na kami ng dessert sa loob ng bahay nila. "Uy ha..." tapos habol ng ngiti na may ibig sabihin.

"Hmm?" napatigil ako sa pagnguya.

"Hihi. Alam ko yang mga titig mo eh." bulong ni Kharla sa gilid ko.

"Ano? Bakit pala--" tiningnan ko si Kharla. Alam ko 'tong bestfriend ko na 'to. Siguro napapansin na niyang naging 'close' na kami sa pag-uusap ni James. At binigyan pa ng kahulugan ng babaeng 'to ang sitwasyon. "K-Kharla ha..hindi noh...kaw talaga." pagtatanggi ko at kinuha ko na lang ang sinerve niyang softdrinks.

"Asuus.. Hehe." at kinurot ako ng bahagya sa tagiliran.

"Aray kup!" nagreak ako pero hindi ko napigilan na ngumiti. (Medyo kinilig yata ang bida.) Kinindatan pa ako ni Kharla sabay kuha ng tray at pabalik sa kusina. Siya namang pagbalik ni James at nakatitig pa sa akin at ngumiti...yung tipong nakakatunaw. I can't help but blush. (LOLz! Nag-i-sparkle ang mga bituin dito na part. Haha. OA!)


***

To cut the story short, James' family spent the whole summer in Kharla's residence. Kaya sa madalas na outing ng pamilya or ng barkada, medyo napapasama na rin kaming magkakapatid. Dun ko mas lalo nakilala si James. Talagang napaka-gentleman niya, responsible, and mature pero may kakulitan din.

I could still remember nung mapagpasyahan ng magpipinsan na mag-outing at overnight pa sa isang island beach resort ay inimbitahan kaming mga kapatid. Of course, hinatid kami ng mga parents namin kahit medyo hindi sumang-ayon ang papa ko na walang 'no adults' na kasama. Pero Tita Anne and Tito Paolo convinced our parents dahil close friend naman nila ang owner ng resort and to ease their worries kumbaga, sumama na silang mga parents namin pero hindi na nag-overnight. Kharla and her other cousins Kristoff and Belle were extremely delighted dahil hindi na-i-spoil ang trip ng mga teenagers.

Well of course, hindi naman kami yung tipong pakawala sa hawla kumbaga. And I must say hindi din ganoon ang mga magpinsan. Yup, andun ang kulitan but in general wala namang hindi kanais-nais na misbehavior kaming ginawa. Talagang sabik lang sa bonding ang tropa.

Nagkaroon nun ng Truth or Consequence ang grupo one night when it was too cold for all of us na maglublob sa tubig. Lahat ng magpipinsan pati kami at ilan sa mga friends namin ni Kharla sa neighborhood ay nandun sa umpukan. When it was my turn to spin the bottle, isa na lang ang natitirang Consequence. Palibhasa lahat yata sa amin ay mas gusto ang mang-trip kaysa piliin ang Truth. Sadyang fortunate (or unfortunate) nung ang tamaan ay si.....




No comments:

Post a Comment