The Draft Chapter 2




I was inside Kharla's room playing Need for Speed game sa tablet niya. It was a warm Saturday morning and pareho naman kaming walang class schedule kaya tumambay ako sa bahay nila. Tapos na rin naman ang mga homeworks and plates na kailangang gawin.

"Whatta nice weekend!!" biglang sulpot ni Kharla galing sa banyo ng kwarto niya. "Parang ngayon lang yata ako nagka-timing na walang pinaover-the-weekend plates ang mga prof!" tinapos na naman niyang ligpitin ang mga gamit sa closet niya.

"Ugh. Kahit ako man din." busy pa rin ako sa kakaconcentrate sa nilalaro ko. May kumatok naman sa pintuan.

"Aarrgh! Game over!!" parang tumiming pa tuloy na parang nadistorbo ako dahil sa katok na yun.

Mama pala ni Kharla. May bitbit pang tray. "Girls, baka gusto nyong magmeryenda. Nag-bake ako ng pies."

"Hmm ang bango naman, Ma. Bagong experiment mo na naman?" tinanggap ni Kharla ang dalang tray ni Tita Anne.

"Wow! Parang ang sarap nyan, Tita ah." tumayo na talaga ako sa higaan ni Kharla dahil tunay namang nakakapang-akit ang amoy ng freshly baked pies ng mama niya.

"Tin-ry ko yung recipe ng cookbook na binili ko..medyo madali naman pala i-prepare to."

"Ow medyo marami pala ginawa mo, Tita." kumuha ako ng isa at tinikman. "Tsaka, ang sarap!"

"Dinamihan ko, basta kayo, kabisado ko na. Lalo na tong si Kharla, alam mo na, mahilig sa matamis."

"Hehehe eh kasi basta ikaw nagluto parang kulang sa'kin ang isang serving eh," nakitikim na rin si Kharla.

"Suus..oo na, sa inyo na yan lahat. Bababa na ako at baka maubos ng kambal yung mga pies sa kusina. Mauna na ako, Jan..enjoy the food."

"Thanks po Tita!" sambit ko na ninanamnam pa rin ang pies.

"By the way, maiwan ko muna kayo rito ha..Kharla pupunta kami ng mga kapatid mo sa Uncle Jo mo. Magdadala na rin ako ng pies para pasalubong. Ikaw na munang bahala dito. May naiwan pang juice sa ref." habilin ni Tita Anne kay Kharla.

"Yes, Ma. Regards na lang kay Auntie Denny at sa soon-to-be baby nila Uncle." at tinuloy na rin namin ang pag-attack este pagkain sa pies.



"Kharl, lowbat na yung tablet. Charge ko muna."


"Yep, andyan lang sa drawer ang cable. Pakitingnan na lang." kinuha ko na rin at nagcharge na. "Ay onga pala! I borrowed some DVDs from Carl. Nood tayo! This day would be perfect!" biglang nag-energize si Kharla.


"Great! I need a break! Tara na!" sumang-ayon naman ako. Tutal it has been a while since the last time na nag-movie marathon kami ni Kharla dahil na rin sa full preparations sa school at mga tasks and plates at homeworks na sobrang dami. Timing ngayon katatapos lang ng foundation day celeb at swerte namang holiday sa monday kaya medyo makapagpahinga kami ng maluwag. Nauna na ring nagkaroon ng pre-final exam kaya naging celebration na rin ang foundation ng mga estudyanteng gustong mag-break sa kakasunog ng kilay.

"Certainly you need this one! Haha." nasabi pa ni Kharla habang dala-dala na ang tray ng pies at nagsimula nang gumayak. "Hmp." ganti ko dahil nahulaan ko na ang ibig sabihin niya nun. Dala ko ang pitcher ng juice at dalawang baso.



Nakaalis na ang mama ni Kharla pati ang kapatid niyang kambal kaya solo na namin ang sala.


"Wala ka pa bang balita kay James?" naitanong ko kay Kharla habang inaayos ko ang pagpupuwestohan namin.


"Hmm wala pa actually. Ganun nga yata ang mokong na yun. Minsan trip magparamdam, tapos naman may kahaba-habang time na hindi na magparamdam. Nasanay na ako dun. Kunsabagay paroo't parito ang byahe kung saan-saan, ngayon lang yata mapipirmi yan sa isang lugar ng matagal-tagal." pagpapaliwanag ni Kharla. "Bakit, miss mo na sya?" humabol pa ang isang nakakalokong ngisi.

Inirapan ko lang siya ng bahagya. Pero alam ni Kharla na namimiss ko na talaga si James. "Matagal na rin kasi siyang hindi nagpapadala ng messages sakin eh. Kahit postcards wala din."

"Pansin ko nga." kung tutuusin, eto pa nga ang taga-receive ng mga pinapadala ni James sa akin. "Kung bakit pa kasi hindi na lang kayo mag-communicate online. Eh Generation C na yata tayo ngayon, parang as if di tayo updated noh?" [AN: Generation C is Generation Connected, the term which describes most people nowadays, pertaining to lifestyle that is more linked to wired technology...connected sa Internet, gadgets, etc.]

"Eh ikaw na nga ang nagsabi diba? Hindi mahilig si James mag-social networking, although may accounts siya sa Facebook at Twitter. Dahilan nga palagi siyang busy or less time para sa mga ganyang bagay. Yung email naman niya, more on business/formal lang, tapos makisiksik pa ako dun baka mahalo lang messages ko ma-delete pa niya." sagot ko naman.

"Susme! Dami kasing rason eh. Para namang walang isa't kalahating milyong paraan para mag-connect ang mga tao ngayon kahit online!" Kharla rolled her eyes.

"Pero oy wag ka, sa isa't kalahating milyong paraan online eh wala nang hihigit pa sa personal na mensaheng pinapadala talaga niya as in IN HARD COPY o ha?! Special yata ang may 'personal touch'! Hmp!"

Tumawa lamang si Kharla ng malakas. "Oo na! Sige nah! Whatever! Kayo lang talaga ang alam kong nagko-communicate ng ganyan ka-corny!"


"Oy corny ka dyan! Special and unique to noh?!" inirapan ko si Kharla. Napaka-nega na talaga ng bestfriend kong ito. Kung sa lahat ng bagay, diyata't siya na ang mirror ko, ang tagapagpa-realize sakin sa kabaligtaran ng kung ano mang bagay, sitwasyon na kinabibilangan ko at pati na sa mga desisyon na gagawin ko.


"Obsessed ka na yata sa imaginary prince charming mo." napailing na napangiti si Kharla. Tss. I didn't comment. I just smiled. At pumili na kami ng panonoorin. Imaginary? Am I just imagining nga ba? 




No comments:

Post a Comment